Base sa datos, 34,623 pa ang negatibo batay sa isinagawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs hanggang August 19.
Ayon sa PCG, kabilang sa datos ang lab IDs ng returning overseas Filipinos, OFW at non-OFW na na-transmit ng Philippine Red Cross (PRC).
Para makita ang bagong listahan, maaaring bisitahin ang link na ito:
shorturl.at/kqAU5
Maliban pa ito sa naitalang 54,073 ROFs na negatibo sa nakakahawang sakit mula July 8 hanggang 30.
Narito naman ang link ng master list:
https://bit.ly/309ZvJV
Maglalabas ang PRC ng quarantine certificates sa ROFs na makakakumpleto ng mandatory facility-based quarantine at nagnegatibo sa nakakahawang sakit base sa kanilang swab test results.