Higit 13-M pamilya, napagkalooban ng ayuda sa ilalim ng 2nd tranche ng SAP
Napagkalooban na ng ayuda ang mahigit 13 milyong pamilya sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) .
Umabot na sa kabuuang 13,000,080 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.
Ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development hanggang 8;00, Martes ng gabi (August 18).
Dahil dito, aabot na sa P77.9 bilyon ang nailabas ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.
Sinabi pa ng kagawaran na tuloy pa rin ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga “waitlisted” o karagdagang mga pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.