NCR at ilang lugar sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras
Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:30 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Batangas, Quezon at Laguna.
Kaparehong lagay din ng panahon ang mararanasan sa Zambales.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.