Mahigit 400 housing units naibigay na sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Almeria, Biliran

Photo grab from PCOO Facebook video

Naiturn-over na ng National Housing Authority (NHA) ang 405 na housing units para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Brgy. Jamorawon, Almeria, Biliran.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, malaking tulong ito sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda lalo’t may kinakaharap pa ngayon na pandemya sa COVID-19.

“This is the fifth virtual or online turn-over in as many weeks and this is the third in Biliran province. These successful turn-overs would not be possible without the commitment and dedication of our partners and stakeholders, who actually worked harder during the pandemic,” pahayag ni Nigrales na tumatayo ring Chairman ng Inter-agency Task Force Yolanda.

“While we have completed all planned units for the area, we prioritized the initial 405 first, to be followed immediately by the remaining 524 units,” dagdag ni Nograles.

Base sa talaan ng NHA,as of June 2020, sa 54,508 housing units na laan para sa Region 8, 35,462 na ang natapos habang 10,877 units pa ang under construction.

“For Almeria, we have already achieved a 100% completion rate of 929 housing units. This is concrete result of everyone’s teamwork,” pahayag ni Nograles.

 

Read more...