Pag-iisyu ng resibo ng Comelec, dedesisyunan na ng Korte Suprema

March 02, 2016 - 04:33 AM

 

Inquirer file photo

Submitted for resolution na ang petisyon ni dating Senador Richard Gordon na humihiling sa Commission on Elections na mag-isyu ng resibo sa mga botante ngayong May 9 National Elections.

Ito ay dahil sa nabigo ang Comelec na magbigay ng komento sa naturang petisyon.

Kasabay nito, ibinasura ng SC ang hirit ng Comelec na palawigin ang panahon para sila ay makapagsumite ng komento sa petisyon ni Gordon at ng partido nitong Bagumbayan Movement.

Noong nakaraang February 23, binigyan ng Supreme Court ang Comelec ng limang araw para sagutin ang petisyon nina Gordon na ipatupad ang Voters Verified Receipt o pag-iimprenta ng resibo ng boto ng botante.

Bukod kay Gordon, naghain din ng kaparehong petisyon sa Voters Receipt ang PDP-Laban at dating Manila Councilor Greco Belgica.

Naghain ng petisyon sina Gordon sa SC upang igiit sa Comelec na mag-isyu ng resibo sa kanilang mga boto bilang patunay na tinanggap ng vote counting machines ang kanilang mga ibinoto sa balota.

Gayunman, giit ng Comelec, tatagal ang proseso ng eleksyon ng hanggang pitong oras sakaling ipatupad ang pag-iisyu ng resibo.

Bukod pa dito, posible anilang magamit sa vote-buying ang mga resibo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.