MTCC sa SJDM, Bulacan sarado sa publiko; isang empleyado nagpositibo sa COVID-19

Sarado muna sa publiko ang Municipal Trial Court in Cities sa San Jose Del Monte city sa Bulacan.

Ito ay makaraang isang empleyado ng korte ang magpositibo sa COVID-19.

Sa nilagdaang memorandm ni Executive Judge Ryan Philipp Bartolome, gagawin ang pagsasara ngayong (Aug. 19) maghapon dahil isasailalim sa disinfection ang pasilidad.

Patuloy naman ang online operation ng Branches 1, 2, 3 at Office of the Clerk of Court ng SJDM.

Maari silang padalhan ng mensahe at mga katanungan sa pamamagitan ng e-mail o mobile hotline numbers.

 

 

 

 

Read more...