280 na aftershocks naitala ng Phivolcs sa Masbate

By Dona Dominguez-Cargullo August 19, 2020 - 10:21 AM

Hanggang umaga ng Miyerkules (August 19) umabot na sa 280 na aftershocks ang naitala ng Phivolcs matapos ang magnitude 6.6 na lindol sa Cataingan, Masbate.

Ang datos ay mula kahapon ng umaga nang tumama ang malakas na lindol hanggang alas 4:00 ng madaling araw ngayong Miyerkules.

Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum sa nasabing bilang, mahigit 100 ang nakapagtala ng may kalakihang range ng magnitude.

Hindi pa kasama sa bilang ang magnitude 5.2 na naitala alas 5:50 ng umaga.

Ang pagyanig ay bunsod ng paggalaw ng Masbate segment ng Philippine fault zone.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Solidum na na matapos ang magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Masbate kahapon ng umaga, ay maaring maranasan pa ang mga aftershock sa susunod na tatlong araw.

Dahil dito, pinayuhan ni Solidum ang mga residente na lisanin ang kanilang mga tahanan o mga gusali na mayroon nang mga crack at maaring hindi na ligtas.

 

 

 

TAGS: aftershocks, cataingan masbate, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, aftershocks, cataingan masbate, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.