Ilang residente sa Parañaque makararanas ng water service interruption ng 13 oras

Mayroong water service interruption sa ilang lugar sa Parañaque City na sinuspulayan ng tubig ng Maynilad.

Sa abiso ng Maynilad, simula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw (August 19) hanggang ala 1:00 ng madaling araw bukas (August 20) ay makararanas ng low pressure hanggang sa no water supply sa sumusunod na mga barangay:

– BF Homes
– Don Bosco
– Marcelo Green
– San Antonio
– Sucat

Ito ay dahil sa quality issue ng raw water na nagmumula sa Laguna Lake at pumapasok sa Putatan Treatment Plant ng Maynilad.

 

 

Read more...