Lalamove driver arestado sa pagde-deliver ng shabu

Biyaheng kulungan ang isang Lalamove driver matapos maaktuhan ng mga pulis ang pag-deliver ng shabu sa Las Piñas City.

Ayon kay SPD director, Police Brig. Gen. Emmanuel Peralta aabot sa P368,000 halaga ng shabu ang kanilang nakumpiska.

Kinilala naman ang mga naaresto na sina Arnel Alfonso, alias Kirat, 40, ng Paranaque City at Marlon Chavez, alias Boy Bulong,ng Barangay CAA sa Las Pinas City.

Ayon kay Manuel nakatanggap sila ng intelligence report na isang Lalamove driver ang magbebenta ng shabu sa
Balikatan St., sa Barangay CAA, kayat nag-abang sila sa lugar.

Bago mag-8 ng gabi dumating ang isang naka-motorsiklong lalaki na nakasuot ng Lalamove at may inabot ito sa isa pang lalaki.

Sa tagpong ito, inaresto na sina Alfonso at Chavez.

Sinabi naman ni Manuel na sinasamantala ng ilang authorized person outside residence (APOR) ang kanilang quarantine status para sa ilegal na gawain.

 

 

 

Read more...