Mga Pinoy sa Hong Kong pinag-iingat; Signal #9 nakataas dahil sa Typhoon Higos

Naglabas ng abiso sa mga Pinoy ang Philippine Consulate General Office sa Hong Kong.

Ito ay makaraang magtaas ng Typhoon Signal No. 9 sa Hong Kong dahil sa pananalasa ng Typhoon Higos na galing ng Pilipinas at dating si Tropical Depression Helen.

Inaasahan ng Hong Kong Observatory na tatama sa kalupaan ngayong araw ang nasabing bagyo.

Dahil sa epekto ng bagyo sarado muna ngayong araw ang konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong.

Ang mga aplikante na mayroong kumpirmadong appointment ngayong araw ay tatanggapin sa iba petsa na lamang.

 

 

 

 

Read more...