Suplay ng dugo sa mga ospital mababa na; Red Cross nanawagan sa publiko na mag-donate ng dugo
By Dona Dominguez-Cargullo August 19, 2020 - 08:09 AM
Mababa na ang suplay ng dugo sa mga ospital.
Ayon kay Senator Richard Gordon na siya ring chairman ng Philippine Red Cross, nasabay ngayon pa ngayong panahon ng pandemic ang dengue season.
Dahil dito, nanawagan si Gordon sa publiko na mag-donate ng dugo sa Red Cross.
Maari aniyang pami-pamilya, magkakatrabaho o magkakaibigan ang sama-samang mag-donate.
Maaring tumawag sa hotline ng Red Cross na 143 para mag-donate.
Kung maramihan ang magdo-donate, pwedeng magtungo ang mga tauhan ng Red Cross sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.