Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.72 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (August 19) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 182.80 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.56 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.34 meters habang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 78.61 mas mababa sa antas nito kahapon na 78.63 meters.

Samantala, ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, Binga at Caliraya dams.

 

 

Read more...