LOOK: Sitwasyon sa MRT-3 sa pagbabalik operasyon ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo August 19, 2020 - 07:30 AM

Labingwalong train sets na ang naka-deploy sa pagbabalik ng biyahe ng MRT-3 ngayong umaga.

Sa mga ibinahaging larawan ng DOTr MRT-3, agad dumagsa ang mga pasahero ng MRT-3 sa pagbubukas nito.

Ang unang tren mula sa North Avenue station papuntang Taft Avenue station ng ay bumiyahe alas 5:30 ng umaga.

Ang huling biyahe naman ng tren mula North Avenue station (Southbound) ay alas 9:10 ng gabi mamaya at at alas 10:11 ng gabi naman ang mula sa Taft Avenue station (Northbound).

Mahigpit nang ipinatutupad ang polisiya na ‘No Face Mask and Face Shield, No Entry’ para sa mga pasahero ng tren.

Hindi rin pinapayagan ang pagsasalita at pagsagot ng tawag sa anumang digital devices sa loob ng tren upang maiwasan ang pagkahawa ng mga commuters laban sa COVID-19.

Kinakailangan din na magsagot ng contact tracing form ang mga pasahero bago pumasok ng istasyon.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, No Face Mask and Face Shield No Entry, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, train sets, covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, No Face Mask and Face Shield No Entry, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, train sets

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.