Bahagi ito ng pagpapauwi ng pamahalaan sa mga distressed OFWs ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa pahayag ng embahada ng Pilipinas sa Riyadh, 30 percent ng mga umuwing land-based OFWs sa Pilipinas ay mula sa Saudi Arabia.
Ngayong araw, isa 357 pang Pinoy mula Saudi ang uuwi sa bansa sakay ng ika-pitong chartered flight ng pamahalaan mula sa nasabing bansa.
Maliban sa DFA chartered flights, halos araw-araw din ang commercial flights ng PAL at Saudia Airlines na nag-uuwi sa mga Pinoy.
Sa abiso ng embahada ang mga Pinoy na mayroon nang exit visas at walang kakayahang bumili ng tickets ay maaring mag-request ng repatriation assistance sa embahada.