Barriers sa motorsiklo hindi na kailangan kung ang magka-angkas ay nakatira sa iisang bahay

Simula ngayong araw papayagan na sa mga GCQ area ang pag-aangkas sa motorsiklo kahit walang barrier.

Pero ayon kay oint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar may mga itinakdang kondisyon para mapayagan ang pag-aangkas sa motorsiklo.

Kailangang ang magka-angkas ay mayroong dalang ID na magpapatunay na sa parehong bahay sila nakatira o pareho ang address ng kanilang bahay.

Kung hindi nakatira sa iisang bahay, kailangan pa rin ang barrier sa motorsiklo.

Papayagan lang din ang pag-aangkas ng hindi magkasama sa iisang bahay kung APOR ang nakasakay.

Ayon kay Eleazar, kung ang driver ay hindi APOR, pero ang sakay niya ay APOR, papayagan ang pag-aangkas kung may barrier, naka full-face helmet at naka face masks sila.

 

 

Read more...