Ito ay matapos ang halos dalawang linggong suspensyon ng biyahe nang umiral ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Sa abiso ng pamunuan ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 mahigpit na ipatutupad ang “No Face Mask No Face Shield No Entry” sa mga isitasyon at sa mga tren.
Bawal pa din ang pagsasalita o pakikipag-usap sa telepono sa loob ng tren para maiwasan ang hawaan ng sakit.
Kahapon nagsagawa na ng simulation test ang MRT-3 sa kanilang mga tren bilang paghahanda sa pagbabalik ng operasyon.
Ito ay para matiyak na maayos na gumagana ang 18 train sets, na binubuo ng 16 CKD train sets at 2 Dalian train sets.
Kaninang alas 5:00 ng umaga sinabi ng MRT-3 na mayroon silang 7 train sets na operational.