Bicol, nakapagtala ng pito pang kaso ng COVID-19

By Angellic Jordan August 19, 2020 - 12:03 AM

Nakapagtala ng pito pang kaso ng COVID-19 sa Bicol region, ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol.

Naitala ang mga kaso sa bahagi ng Albay.

Ayon sa DOH CHD-Bicol hanggang August 18, umabot na sa 819 ang mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 401 ang aktibong kaso.

Asymptomatic naman ang 62.88 porsyento sa mga pasyente, 27.72 porsyento ang mild, 3.54 porsyento ang severe habang 2.81 porsyento ang kailangan pang iberipika.

Nasa 11 ang gumaling kung kaya 393 na ang total recoveries sa COVID-19 sa Bicol.

Nanatili naman sa 25 ang bilang ng nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Bicol, COVID-19 deaths in Bicol, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Bicol, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Bicol, COVID-19 deaths in Bicol, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Bicol, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.