86 pang residente sa Western Visayas, tinamaan ng COVID-19
Nagpositibo ang 86 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang August 18, umakyat na sa 2,981 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
1,666 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 86.79 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
18 naman ang gumaling pa kaya 1,273 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 42 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.