COVID-19 cases sa Quezon City, halos 9,000 na

Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 8,944 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Martes ng umaga (August 18).

Sa nasabing bilang, 8,869 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.

8,843 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 2,045 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

6,431 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 367 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 10,511 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...