Sta. Ana Hospital, nakatanggap ng 1,300 Avigan tablets mula sa DOH
By Angellic Jordan August 18, 2020 - 11:44 PM
Nakatanggap ng 1,300 tableta ng Japanese anti-flu drug na Avigan ang Sta. Ana Hospital sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), ito ay nagmula sa Department of Health (DOH).
Gagamitin ang nasabing anti-flu drug para sa isasagawang clinical trials sa mga pasyenteng apektado ng COVID-19.
Sinabi ni Mayor Isko Moreno na kabilang ang naturang ospital sa mga pasilidad sa bansa na magsasagawa ng clinical trial sa Avigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.