Mga nahuling lumabag sa quarantine guidelines sa Navotas City, higit 2,200 na

By Angellic Jordan August 18, 2020 - 10:52 PM

Lampas 2,200 na ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures sa Navotas City.

Ito ay kasabay ng huling araw ng pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa ulat ng Navotas City Police hanggang 5:00, Martes ng hapon (August 18), umabot sa kabuuang 2,202 ang mga nahuling lumabag sa safety measures para maging protektado laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 1,817 ang nahuling walang suot na face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito.

Nasa 128 katao naman ang lumabag sa curfew.

257 rin ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, mecq guidelines, Navotas City Police, quarantine guidelines violators, quarantine guidelines violators in Navotas, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, Inquirer News, mecq guidelines, Navotas City Police, quarantine guidelines violators, quarantine guidelines violators in Navotas, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.