Sen. Poe kay Sec. Duque: Palpak ka sa DOH at PhilHealth!
Hindi na nakapagtimpi si Senator Grace Poe at sinabi na labis-labis na ang kapalpakan ni Health Secretary Francisco Duque III sa pamumuno nito sa Department of Health (DOH) at PhilHealth.
Ipinamukha ni Poe ang mga basehan ng kanyang pahayag ang kaliwa’t kanang katiwalian sistemang pangkalusugan ng gobyerno.
“The numbers will show that you have failed miserably as the lead of both PhilHealth and the DOH,” ang ipinunto ni Poe kay Duque sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole ukol sa mga alegasyon ng korupsyon sa pondo ng PhilHealth.
Pagdidiin ng senadora, hindi maaaring paniwalaan na hindi alam ni Duque ang korapsyon sa PhilHealth dahil 11 taon na niya itong pinamumunuan.
Inihalimbawa pa ni Poe sa isang may sakit ng kanser ang PhilHealth dahil paulit-ulit o pabalik-balik na lang ang korupsyon sa ahensiya kayat nanganganib na itong mabangkarote.
“Ang sakit na nararanasan ngayon ng PhilHealth ay isang cancer na dahil paulit-ulit po itong nangyayari, noon pa. Ang masasabi lamang natin kung merong isang tao na may institutional knowledge ng PhilHealth kung ibabase natin sa haba ng paninilbihan bilang isang pinuno ay kayo po ‘yun,” diin pa ni Poe.
Binanggit pa nito ang isang artikulo ukol sa 4,357 administrative cases na naisampa sa PhilHealth noong 2018 ngunit wala kahit isa ang naaksiyunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.