Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, 2,276 na
Napaulat ang 67 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Martes ng hapon (August 18), 2,276 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 725 ang aktibong kaso.
145 ang itinuturing na probable cases habang 1,053 ang suspected cases kung saan 8,447 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng 57 ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, 1,457 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umakyat naman sa 94 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.