Sinabi ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na ipapaubaya na nila sa mga mananampalataya kung gugustuhin nilang magsimba sa simbahan o sa pamamagitan ng online mass.
Tiniyak naman nito na susunod sila sa guidelines kaugnay sa pagselebra ng Banal na Misa.
Samantala, ang Diocese of Cubao naman ay nag-anunsiyo na bahala na ang kanilang mga pari kung nais nilang buksan muli ang kani-kanilang simbahan.
“As the Inter-Agency Task Force (IATF) places Metro Manila under GCQ beginning August 19, our parishes in the Diocese of Cubao may resume their religious activities at the discretion of the parish priest, following strict IATF guidelines and depending on the situation in each parish community,” ang abiso sa kanilang Facebook account.
Sa pag-iral ng GCQ, tatanggap lang ang mga simbahan ng mga gustong magsimba sa 10 porsiyentong kapasidad ng simbahan.