Pagselebra ng Banal na Misa, desisyon ng mga pari

By Jan Escosio August 18, 2020 - 09:57 PM

Ibinigay na ng Archdiocese of Manila at Diocese of Cubao sa mga parokya at mananampalataya na kanilang nasasakupan ang pagdedesisyon sa pagdaraos at pagdalo ng Banal na Misa sa pagbabalik sa general community quarantine ng Metro Manila.

Sinabi ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na ipapaubaya na nila sa mga mananampalataya kung gugustuhin nilang magsimba sa simbahan o sa pamamagitan ng online mass.

Tiniyak naman nito na susunod sila sa guidelines kaugnay sa pagselebra ng Banal na Misa.

Samantala, ang Diocese of Cubao naman ay nag-anunsiyo na bahala na ang kanilang mga pari kung nais nilang buksan muli ang kani-kanilang simbahan.

“As the Inter-Agency Task Force (IATF) places Metro Manila under GCQ beginning August 19, our parishes in the Diocese of Cubao may resume their religious activities at the discretion of the parish priest, following strict IATF guidelines and depending on the situation in each parish community,” ang abiso sa kanilang Facebook account.

Sa pag-iral ng GCQ, tatanggap lang ang mga simbahan ng mga gustong magsimba sa 10 porsiyentong kapasidad ng simbahan.

TAGS: Archdiocese of Manila, Bishop Broderick Pabillo, Diocese of Cubao, Inquirer News, Metro Manila under GCQ, online mass, Radyo Inquirer news, Archdiocese of Manila, Bishop Broderick Pabillo, Diocese of Cubao, Inquirer News, Metro Manila under GCQ, online mass, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.