Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, sumampa na sa 3,000
Nadagdagan pa ng 55 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (August 18), 3,035 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
760 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,417 ang suspected cases.
28 namang pulis ang gumling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 2,221 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nanatili pa rin sa 13 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.