BREAKING: Mga nagpositibo COVID-19 sa Pilipinas, 169,213 na
Halos 5,000 ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (August 18), umabot na sa 169,213 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 53,665 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,836 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.2 porsyento ang asymptomatic; 0.9 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 84 out of 105 licensed laboratories.
Nasa pito ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,687 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 182 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 112,861 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.