Bilang ng PPE shipments na nai-release ng BOC, 14,446 na

Nakapag-release ang Bureau of Customs (BOC) ng mahigit 14,400 na personal protective equipment (PPE) shipment.

Ayon sa ahensya, 17 ang nai-release na kargamento noong Lunes, August 17.

Nai-release ang PPE shipments sa mga sumusunod na lugar:
– NAIA – 7
– Cebu – 10

Dahil dito, sa tala ng ahensya, nasa 14,446 ang kabuuang bilang ng nai-release na PPE shipment.

Read more...