May kalakasang aftershocks naitala pa sa Cataingan, Masbate

By Mary Rose Cabrales August 18, 2020 - 01:04 PM

Nakapagtala muli ng may kalakasang mga pagyanig ang lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa 15 kilometers northwest ng bayan ng Cataingan, alas-10:01 umaga ng Martes (August 18) at may lalim na 1 kilometer.

Magnitude 3.0 naman na pagyanig ang naitala sa 7 kilometers northeast ng bayan pa rin ng Cataingan, alas-10:06 ng umaga at may lalim na 11 kilometers.

Naitala rin ang isa pang magnitude 3.4 na pagyanig sa 19 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-10:47 ng umaga at may lalim naman ito na 24 kilometers.

At naitala pa magnitude 3.2 na pagyanig sa 16 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Cataingan, alas-11:45 ng umaga at may lalim na 16 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Ang mga nauna ng naitalang pagyanig may lakas na magnitude 3.8 hanggang magnitude 3.1.

Ito ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol na naganap 8:03 ng umaga sa Cataingan, Masbate.

TAGS: aftershocks, earthquake, Masbate, aftershocks, earthquake, Masbate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.