Consumer Group nanawagan na ipatigil ang paggamit ng China-made rapid test kits

August 18, 2020 - 12:17 PM

Nababahala ang isang alyansa ng mga konsyumer sa patuloy na pagpapapagamit ng rapid test kits na gawang China dahil sa pagiging inaccurate umano ng resulta nito.

Sa statement na ipinalabas ng Alliance for Consumers and Protection of Environment, Inc. (ACAPE) ay nananawagan sila sa Department of Health(DOH) na agad na repasuhin ang China-made rapid tests kits dahil sa posibilidad na magdulot ito ng peligro sa milyun-milyong Pilipino dahil sa kuwestiyunableng accuracy at safety nito.

“We call on the Department of Health to immediately review the China-produced rapid test kits for its accuracy and safety as it poses health risks to millions of Filipinos”, saad ni Rhia Ceralde, ang tagapagsalita ng ACAPE.

Una nang inihayag ni Dr. Gap Legaspi, Director ng UP-PGH na mababa ang accuracy rate o 20 percent lamang ang natutukoy ng rapid antibody tests ng mga totoong nagpositibo sa COVID-19.

“What we found out was that rapid antibody tests only predicts 20 percent of those who were really positive. So that means you are missing out on 80 percent of who would have been positive and they’ll be walking around thinking they’re negative,” sabi ni Dr. Legaspi sa panayam ng One News noong August 13, 2020.

Naniniwala anf ACAPE na dapat pangalagaan ng gobyerno ang Filipino consumers laban sa paglaganap ng mga dispalenghadong tests kits na gawang China.

 

 

 

 

TAGS: Acape, consumer group, rapid test kits, Acape, consumer group, rapid test kits

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.