Quarantine control points tuloy sa GCQ areas – PNP
Inihayag ng PNP na tanging mga authorized individuals on essential travels ang maaring lumabas ng kanilang bahay kahit magbabalik sa general community quarantine ang Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Kasabay nito, sinabi ni PNP spokesman, Police Brig. Gen. Bernard Banac na mahigpit pa rin silang magbabantay sa pagsunod sa health protocols at tutulong sila sa LGUs sa pagpapatupad ng health ordinances.
“At the same time, the PNP will continue to observe official administrative issuances of higher authorities on matters involving force protection and Covid-19 resiliency of PNP Units and personnel, in line with Memorandum Circular No. 79 dated August 3, 2020, issued by the Office of the President on Operational Capacity to be Adopted by Government Agencies and Instrumentalities during a Modified Enhanced Community Quarantine,” sabi pa ng opisyal.
Lunes ng gabi nang ianunsiyo ni Pangulong Duterte na ipapatupad na muli sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan sa mas maluwag na GCQ simula bukas, araw ng Miyerkules hanggang Agosto 31.
Dagdag pa ni Banac na ang kanilang mga operasyon ay alinsunod pa rin sa pamantayan ng DILG at Inter Agency Task Force.
Apila niya sa publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad para mabawasan na ang pagkakahawa ng COVID 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.