Modified number coding ipatutupad na sa Makati City simula bukas

Sa pagbabalik ng Metro Manila sa General Community Quarantine, magpapatupad na na muli ng number coding sa Makati City, simula bukas August 19.

Pero sa abiso ng Makati Traffic, modified number coding ang ipatutupad sa lungsod.

Ang mga sasakyan na mayroong sakay na dalawa o higit pa ay exempted sa number coding.

“Please be informed that Makati City will be implementing a modified number coding scheme starting WEDNESDAY (August 19, 2020). Vehicles with two or more passengers are exempted from the scheme and will not be apprehended,” ayon sa abiso.

Una nang sinabi ng MMDA na mananatilig suspendido ang number coding sa Metro Manila kahit magbabalik na ang pag-iral ng GCQ simula bukas.

 

 

Read more...