NPC, tiwalang hindi madi-DQ si Poe

By Kathleen Betina Aenlle March 02, 2016 - 03:09 AM

 

Mula sa inquirer.net

Malakas ang kumpyansa ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na papayagan ng Korte Suprema si Sen. Grace Poe na tumakbo bilang presidente sa darating na halalan sa Mayo.

Ayon kay NPC Deputy Speaker Giorgidi Aggabao, base sa kanilang mga narinig at nabasa mula sa ilang pag-dinig, mas nakatitiyak sila ngayon na malalampasan ni Poe ang mga kaso sa Supreme Court.

Ang tinutukoy ni Aggabao ay ang mga positibong pahayag na sinabi nina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Associate Justice Marvic Leonen, at Solicitor General Florin Hilbay sa mga nag-daang oral arguments sa korte.

Ani pa Aggabao, dapat ay nag-labas na ng desisyon ang Supreme Court kahapon dahil hindi naman makatarungan para sa mga botante na humantong ang araw ng halalan nang walang katiyakan kung ang isang kandidato ay kwalipikado o hindi.

Binalewala naman ng campaign manager ni Poe na si Cebu Rep. Ace Durano ang mga ulat na karamihan sa mga mahistrado ay nag-desisyon nang i-diskwalipika ang senadora.

Aniya, nakaririnig rin naman sila ng mga ulat na panalo si Poe pero hindi nila ito ipinamamalita dahil naniniwala silang ilalabas na rin ng Supreme Court ang kanilang desisyon at hihintayin nila ito.

Mismong si Poe na rin ang nagpa-hayag ng kumpyansa na papanigan ng Korte Suprema ang kaniyang kandidatura, at naniniwala siyang oras na may resulta na, sila ang unang makakaalam nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.