Pagpapaliban ng pasukan sa Oktubre pagkakataon para i-enroll ang mga bata ayon kay Rep. Romulo

By Erwin Aguilon August 18, 2020 - 12:16 PM

Hinimok ni House Committee on Basic Education and Culture Chairman at Pasig Rep. Roman Romulo ang mga magulang na in-enroll ang kanilang mga anak para sa pasukan sa October 5.

Ayon kay Romulo, pagkakataon ito ng mga magulang na samantalahin ang anim na linggo bago ang simula ng klase na ipalista na sa mga paaralan ang mga anak.

Ngayon anyang ipinagpaliban na muna ang klase, umaasa ang mambabatas na maraming mga mag-aaral ang hahabol sa enrollment.

Nanawagan din si Romulo sa mga eskwelahan na humanap ng paraan upang i-accommodate ang lahat ng mga late enrollees nang sa gayon ay mabawasan ang bilang ng mga kabataan na mapapag-iwanan ngayong school year.

makakatulong din anya sa gobyerno ang revised school calendar para mapababa o ma-flatten ang curve ng sakit na COVID-19.

Sa taya ng DepEd, nasa 4 na milyon na estudyante ang hindi nakapag-enroll kung saan 2.75 million dito ay mula sa pribadong paaralan habang 1.25 million ay mula sa public schools.

 

 

TAGS: class opening, deped, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Roman Romulo, Tagalog breaking news, tagalog news website, class opening, deped, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Roman Romulo, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.