Retired colonel patay sa lindol sa Masbate

By Jan Escosio August 18, 2020 - 11:35 AM

Kumpirmadong nasawi ang isang retiradong opisyal ng PNP sa malakas na lindol na yumanig sa lalawigan ng Masbate.

Base sa paunang impormasyon mula kay Police Col. Joriz Cantoria, nakilala ang nasawi na si retired Police Col. Gilbert Sauro, residente ng Sitio Alimango, Barangay Concepcion sa bayan ng Cataingan.

Ayon pa kay Cantoria, nasugatan naman ang isang Ronalyn Condrillon, ng Barangay Poblacion sa naturang bayan.

Dagdag pa ng opisyal, ilang mga gusali at establismento rin sa bayan ng Cataingan ang napinsala ng tinatayang 6.5 magnitude earthquake na naganap alas-8:03 ng umaga.

Ilan sa mga napinsalang istraktura ang Public Attorney’s Office, Old and New Public Market, ang istasyon ng pulisya ng Cataingan, ang docking area ng Cataingan Port at mga konkretong kalsada,

Nabatid na ang mga biktima ay pinaniniwalaang nabagsakan ng gumuhong bahagi ng kanilang bahay.

Nagsasagawa na ang lokal na pulisya at mga kawani ng munisipyo ng search and retrieval operations.

 

 

TAGS: cataingan, Masbate, retired colonel, cataingan, Masbate, retired colonel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.