342 na Pinoy galing UAE nakauwi na sa bansa

Mayroong 342 na Overseas Filipinos pa ang nakauwi na ng bansa.

Ang nasabig bilang ng mga OFs ay dumating sa bansa lulan ng Philippine Airlines flight PR 8659.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mayorya ng mga umuwing Pinoy ay nag-avail sa amnestiya ng gobyerno ng United Arab Emirates (UAE) para sa mga overstaying residence at tourist visa holders.

Sa ilalim ng amnesty program ay napalawig ang visa ng na napaso na noong Marso 2020.

Kabilang sa nakauwi ang isang ginang kasama ang kaniyang pitong taong gulang na anak.

 

 

Read more...