Investors nanganganib kumalas dahil sa bantang “takeover” ni Pang. Duterte sa public utilities

August 18, 2020 - 11:01 AM

Nagbabala ang mga major stakeholders na maaaring mawalan ang Pilipinas ng foreign investments at trade opportunities kapag patuloy na nagbanta si Presidente Rodrigo Duterte na ipasasara ang mga negosyo.

Ang babala, na isinagawa ng American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham), ay kasunod ng pagkastigo ng Pangulo sa dalawang telco giants kung saan nagbanta siyang kakamkamin ang mga ito kapag hindi bumuti ang kanilang connectivity sa katapusan ng taon.

Ayon kay AmCham Senior Adviser John Forbes, ang banta ni Duterte na kukunin at kokontrolin ng gobyerno ang public services, partikular ang telecommunications sector ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kinakailangang foreigh investments at opportunities sa bansa.

Binigyang-diin niya na maaaring ikonsidera ng mga dayuhang negosyante ang bansa bilang isang ‘investment risk’ dahil sa mga pagbabanta ni Duterte.

“The warning to possibly nationalize major utilities in which there are billions of dollars owned by foreign investors could harm the external opinion of the country’s investment climate stability,” sabi ni Forbes.

Nagbabala rin ang London-based think tank Fitch Solutions noong Hulyo na malalagay sa matinding ‘investment risks’ ang Philippine media at telecoms space, kung saan tinukoy nito ang pamumulitika sa industriya sa gitna ng pagpapasara ng gobyerno sa Sky Direct at ABS-CBN Corp.

Ibinaba ng Fitch Solutions ang risk score ng Philippine telecom industry sa 46.1 points out of 100 mula sa 57.5.

“The regulator’s [National Telecommunication Commission] apparent ability to be influenced by the government continues to be a key impediment to foreign investor sentiment, and has also made the telecoms landscape difficult for both new entrants and existing players,” ayon sa Fitch Solutions.

Nagpahayag din ng pagkabahala si ex-Kabataan PartyList Rep. Teddy Ridon na maaaring mauwi ang telcos sa “very vulnerable situation” na katulad ng pagpapasara sa ABS-CBN, kung saan naghain ang mga kaalyado ng Pangulo sa Kongreso ng bills na humihiling sa “sure expropriation as an unfortunate development.”

Itinulad din ni Management Association of the Philippines (MAP) president Francis Lim ang kapalaran ng telcos sa ABS-CBN at nagbabala sa mga negatibong epekto ng expropriation economic recovery ng bansa matapos ang pandemya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tinarget ni Duterte ang dalawang telecom companies.

Sa gitna ng mga reklamo sa mabagal na internet speed noong 2016, sinabihan ni Duterte ang Smart at Globe na pagbutihin ang kanilang serbisyo o magkaroon ng kakumpetensiya mula sa China.

Iginawad sa Dito Telecommunity, isang joint venture sa pagitan ng China Telecom at ni Davao tycoon Dennis Uy, ang lisensiya na mag-operate bilang third telco player noong July 2019, subalit nahihirapang magtayo ng kanilang network bago ang commercial launch nito sa susunod na taon dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

 

 

TAGS: dito, telecom, dito, telecom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.