Global death toll sa COVID-19 mahigit 777,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo August 18, 2020 - 10:51 AM

Sumampa na sa mahigit 777,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 777,438 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 173,716.

Ang India na ang pang-apat sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming nasawi sa sakit matapos na maungusan ang death toll ng UK.

Sumampa naman na sa mahigit 108,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 57,000

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 108,654
Mexico – 57,023
India – 51,925
UK – 41,369
Italy – 35,400
France – 30,429
Spain – 28,646
Peru – 26,481
Iran – 19,804

Sumampa naman na sa mahigit 14.7 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.4 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

TAGS: Brazil, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, global death toll, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, Brazil, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, global death toll, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.