Naitala ang magnitude 3.2 na pagyanig sa 11 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-9:08 umaga ng Martes (August 18) at may lalim na 22 kilometers.
Magnitude 3.5 naman na pagyanig ang naitala sa 26 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Cataingan, alas-9:27 ng umaga at may lalim na 5 kilometers.
Naitala rin ang magnitude 3.4 na pagyanig sa 9 kilometers northwest ng bayan ng Cataingan, alas-9:42 ng umaga at may lalim naman ito na 9 kilometers.
At naitala pa ang isa pang magnitude 3.8 na pagyanig sa 25 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Cataingan, alas 9:49 ng umaga at may lalim na 18 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Ang mga nauna ng naitalang pagyanig mga ay magnitude 3.8, magnitude 3.1, magnitude 3.4 at magnitude 3.5 kaninang alas-8:23 at alas-8:28, alas-8:40 at alas-8:53 ng umaga.
Ito ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol na naganap 8:03 ng umaga sa Cataingan, Masbate.