Lindol sa Masbate itinaas sa magnitude 6.6 ng Phivolcs; Intensity VII naitala sa Cataingan, Masbate
Itinaas ng Phivolcs sa magnitude 6.6 ang tumamang lindol sa Masbate alas 8:03 ng umaga ngayong Martes (August 18).
Sa earthquake information number 2 ng Phivolcs, ang pagyanig na tumama sa 7 kilometers southeast ng Cataingan, Masbate ay naramdaman din sa maraming lugar sa Bicol Region, Visayas at maging sa Southern Luzon.
Umabot sa Intensity VII ang pinakamalakas na naitalang intensity sa mga lugar na naapektuhan ng pagyanig.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity VII:
– Cataingan, Masbate
Intensity V
– Masbate City, Masbate
– Almagro at Tagapul-an, Samar
Intensity IV
– Palanas at San Jacinto, Masbate
– Sorsogon City
– Legazpi City, Albay
– San Andres, Quezon
– Mapanas at Palapag, Northern Samar
– Barugo, Dagami, Dulag, Julita, La Paz, Palo, at Tanauan, Leyte
– Sagay City, Negros Occidental
Intensity III
– Baybay City, Isabel, Javier, at Kananga, Leyte
– Ormoc City
– Mulanay, Quezon
– Iloilo City
Intensity II
– Guinayangan at Lopez, Quezon
– President Roxas, Capiz
– Patnongon, San Jose de Buenavista, at Tibiao, Antique
Intensity I
– Lezo, Aklan;
– Dumaguete City, Negros Oriental
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.