Walo arestado sa magkakasunod na operasyon kontra ilegal na droga arestado sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo August 18, 2020 - 09:43 AM

Arestado ang walong suspek sa magkakasunod na operasyon kontra ilegal na droga sa Maynila.

Nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng MPD Station 6 sa Sta. Ana.

Kabilang sa naaresto alas 11:00 ng gabi ng Lunes (Aug. 17) ang barangay tanod na si Benjie Mariano, at ang kasama nito na si
Hydielyn Escobar, na kapwa residente sa Punta, Sta. Ana, Manila.

Nauna dito ay nadakip din ang 20-anyos na si John Berwin Labiana alyas Berwin sa Oro B. St., Sta Ana, Manila.

Gayundin ang 60-anyos na si Ricky Belarmino @ Ricky; Bernardo Lauzon alyas Bobet, 60-anyos; at ang 28-anyos na si Rodolfo Garcia, Jr. @ Bebe, pawang residente sa San Andres Bukid.

Sa hiwalay na operasyon ay naaresto din sa bahagi ng Brgy. 88, Tondo sina Raffy Ignacio,22, alyas Nano, 22-anyos; Jesus Benj Dela Rosa, alyas BJ, 20-anyos.

Nakumpiska sa kanila ang tinatayang P49,000 na halaga ng ilegal na droga at mga drug paraphernalia.

Ang mga suspek ay isasalang sa inquest proceeding sa Manila City Prosecutor Office dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

TAGS: drug war, Inquirer News, MPD, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, drug war, Inquirer News, MPD, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.