Utility workers sa airport tumanggap ng bisikleta mula kay Senator Bong Go

Dahil mahirap ang pag-commute ngayong mayroong umiiral na community quarantine sa Metro Manila, maraming manggagawa ang hirap sa pagpasok sa trabaho.

Upang makatulong sa pagbiyahe, pinagkalooban ni Senator Christopher “Bong” Go ng bisikleta ang mga utility workers sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang nasabing mga manggagawa ay kabilang sa napakaraming trabahador na labis na apektado ng problema ng bansa sa pandemic ng COVID-19.

Maliban sa ilang manggagawa na tumanggap ng bisikleta, mayroon ding mahigit 3,000 utility workers ng NAIA ang tumanggao ng face masks at grocery packs.

“Namigay po tayo ng face masks para sa kanilang proteksyon at pagkain. Namahagi rin po tayo ng bikes sa iilan sa mga trabahante para naman makatulong sa kanilang pagpunta sa trabaho at pag-uwi sa kanilang mga tahanan,” ayon kay Go.

Sa kanyang mensahe, nangako si Go sa mga apektadong manggagawa na tutulong ang gobyerno sa abot ng makakaya.

“Alam kong nahihirapan tayong lahat sa sitwasyon ngayon. Kaunting tiis lang po, alam ko pong hirap na kayo. Huwag po kayong mag-alala, nakaabot sa akin ang inyong mga hinaing at tutulong po kami sa abot ng aming makakaya,” ayon pa sa senador.

Nakipag-ugnaya na din ang tanggapan ni Go sa Department of Social Welfare and Development para matulungan ang mga utility workers at mapagkalooban sila ng tulong-pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

“Dahil sa dahan dahang pagbubukas ng ating mga serbisyo sa ating mga paliparan, exposed sa possible transmission ng COVID-19 ang mga nagtatrabaho rito. Minabuti na lang po natin na tingnan ang kanilang kapakanan at kung nabigyan na rin ba sila ng tulong mula sa kanilang kumpanya at sa gobyerno,” sinabi ni Go.

Sinabi ni Go na dahil kabilang sa frontliners ang mga utility workers sa airport, kung sila ay magkakasakit, maari silang mag-avail ng tulong mula sa Malasakit Centers.

“May mga Malasakit Center na tayo, 79 na po ‘yan sa buong bansa. Kung may kailangan kayo sa ospital, mga babayaran, andiyan po ang aking staff. Tutulong kami sa abot ng aming makakaya. Huwag po kayong mag-atubiling lumapit sa akin dahil trabaho po namin iyan na pagserbisyuhan kayo. ami po ni Pangulong Duterte, wala na po kaming ibang hihilingin sa Panginoon. Ibabalik lang namin sa tao ang serbisyong dapat ninyong matanggap mula sa gobyernong palaging nagmamalasakit sa inyo,” dagdag pa ni Go.

 

 

Read more...