Phivolcs pinawi ang pangamba ng tsunami matapos ang magnitude 6.5 na lindol sa Masbate
By Dona Dominguez-Cargullo August 18, 2020 - 09:00 AM
Pinawi ng Phivolcs ang pangamba na magdudulot ng tsunami ang pagyanig na naitala sa Masbate.
1 kilometer lang ang lalim ng magnitude 6.5 na lindol na ang epicenter ay sa bayan ng Cataingan kaninang 8:03 ng umaga (August 18).
Sinabi ng Phivolcs na hindi inaasahang magdudulot ng mapaminsalang tsunami ang lindol.
Naramdaman ang pagyanig sa maraming lugar sa Bicol Region at umabot sa maraming lugar sa Visayas ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.