Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 6.5; pagyanig naramdaman hanggang sa Visayas
Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang lalawigan ng Masbate.
Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay naitala sa layong 5 kilometers southwest ng bayan ng Cataingan, alas 8:03 ng umaga ng Martes, August 18.
May lalim na 1 kilometer lang ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV – Mapanas, Northern Samar; City of Legazpi, Albay; Lezo, Aklan
Intensity III – City of Iloilo
Intensity I – President Roxas, Capiz
Instrumental Intensities:
Intensity V – Masbate City, Masbate
Intensity IV – Palo, Leyte; City of Iloilo; City of Roxas, Capiz; Naval, Biliran;
Intensity III – City of Bago, Negros Occidental; Malinao, Aklan; Jamindan, Capiz; Ormoc City
Intensity II – Gumaca, Quezon; City of Sipalay, Negros Occidental; Valderrama, Antique; Sipocot, Camarines Sur; Talibon, Bohol; San Francisco, Cebu
Intensity I – Malay, Aklan; City of Gingoog, Misamis Oriental
Ayon sa Phivolcs, maaring magdulot ng pinsala ang pagyanig.
Aasahan din ang aftershocks dahil sa malakas na lindol.
Ang naturang lindol ay unang itinala ng US Geological Survey sa magnitude 6.9 pero kalaunan ay ibinaba sa magnitude 6.6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.