Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 22 million na

Umabot na sa mahigit 22 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos hanggang umaga ng Martes (Aug. 18) ay 22,034,886 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng halos 200,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,610,789 matapos makapagtala ng mahigit 39,000 pang bagong kaso.

Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 23,000 bagong kaso habang mahigit 54,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.

Ang Pilipinas ay pang-22 na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 3,363,235
India – 2,701,604
Russia – 927,745
South Africa – 589,886
Peru – 535,946
Mexico – 522,162
Colombia – 476,660
Chile – 387,502
Spain – 382,142

 

 

Read more...