Number coding mananataling suspendido

By Dona Dominguez-Cargullo August 18, 2020 - 07:43 AM

Sa pagbabalik ng General Community Quarantine ng Metro Manila simula bukas, August 19 mananatiling suspendido ang pag-iral ng number coding.

Ayon ito sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ng MMDA na maglalabas na lang muli ng abiso ang ahensya kung kailan magre-resume muli ang pag-iral ng number coding.

“Suspended po ang Number Coding Scheme until further advise,” ayon sa MMDA.

Wala pa naman inilalabas na abiso ang Makati tungkol sa pag-iral ng number coding sa lungsod.

Noong kasagsagan kasi ng GCQ ay ibinalik na ang number coding sa Makati subalit muli itong sinuspinde nang isailalim sa MECQ ang Metro Manila.

 

 

 

 

 

TAGS: edsa, Metro Manila, mmda, number coding, edsa, Metro Manila, mmda, number coding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.