Eastern Visayas nakapagtala ng panibagong all-time high record sa bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 95 pa na bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
All-time high record ito sa rehiyon mula nang makapagtala doon ng kaso ng COVID-19.
Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 1,680 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Umabot naman na sa 1,036 ang mga gumaling sa sakit at 637 na lang ang aktibong kaso.
Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa iba’t ibang mga bayan sa lalawigan ng Samar, Leyte, Southern Leyte at Eastern Samar.
Karamihan sa mga bagong nagpositibo sa rehiyon ay pawang close contact ng mga nauna nang pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.