Sevilla Bridge bukas na muli matapos sumailalim sa rehabilitasyon

Binuksan na muli ang Sevilla Bridge na nagdudugtong sa Maynila at Mandaluyong.

Ito ay makaraang isailalim sa rehabilitasyon ang tulay.

Halos dalawang taon na bukas-sara ang Sevilla Bridge.

Maliban kasi sa rehabilitasyon ay apektado din ito ng Skyway Project.

Sa pagbabalik sa General Community Quarantine ng Metro Manila simula bukas, August 19 ay inaasahang makatutulong sa daloy ng traffic sa Mandaluyong at Maynila ang tulay.

 

 

 

Read more...