Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas halos 18,000 na

Sumampa na sa halos 18,000 na ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 25 na bagong kaso ng sakit kahapon.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 17,891 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,645 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 1,050 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 391 dahilan para umabot na sa 13,196 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,390 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 2,308
– Talisay City – 817
– Minglanilla – 463
– Consolacion – 454
Mandaue City – 2,136
Lapu-Lapu City – 2,077
Negros Oriental – 117
Bohol – 126
Siquijor – 3

 

 

Read more...