Mga kumpanya ng langis nagpatupad ng dagdag sa presyo ng gasolina at diesel

Epektibo ngayong umaga ang panibagong dagdag sa presyo ng diesel at gasolina.

60 centavos ang dagdag sa bawat litro ng gasolina habang 10 centavos naman ang dagdag sa bawat litro ng diesel .

Alas 6:00 ng umaga epektibo ang dagdag presyo ng mga kumpanyang Petron, Shell, PTT, SeaOil, Flying V, Phoenix Petroleum, at Petro Gazz.

Alas 12:01 naman ng madaling araw kanina naging epektibo ang dagdag presyo ng Chevron.

Habang ang price adjustment ng CleanFuel ay mamaya pang alas 4:01 ng hapon.

 

 

Read more...